Skip to main content

HIBER NATION

Ikulong niyo ako sa kwartong ito,
takpan ang mga bintana at gawing selyado ang bawat butas
na malulusutan ng sinag,
ayokong malaman ang pag usad ng oras at panahon
gusto kong mabuhay sa isang kahon.

dal'han ninyo ako ng pagkain isang beses sa buong mag-hapon,
wag lamang itugma sa oras ng tanghalian, hapunan at pag-bangon,
bigyan niyo ako ng kape sa gabe, sa arinola ko na lamang
ihahatid ang aking mga basura't mensahe.

gusto kong malipasan ng panahon,
gusto kong maramdaman ang alarma ng pagka gutom,
gusto kong maging isang hangin sa loob ng silid,
gusto kong maging espasyo sa loob ng kahon,
sasabihin ko lahat sayo ang pakiramdam non. . .

ako ay isang presong pinlano ang pagkakakulong at pinag-aralan ang buong proseso,
nais ko lamang makatakas sa mga mata at mapigilan ang panahon sa sarili kong mundo,
kulayan ng itim ang buong pader at ding ding,
na parang lumulutang sa kalawakan at ang tanging kasama ay ang papel, lapis at gitara ko. . .


gusto kong malipasan ng panahon,
gusto kong maramdaman ang alarma ng pagka gutom,
gusto kong maging isang hangin sa loob ng silid,
gusto kong maging espasyo sa loob ng kahon,
aalamin ko ang lahat ng pakiramdam non. . .

Comments

Popular posts from this blog

SO RENDERED

Adjust the brightness and contrast of the light, with a magic wand you can select whatever you like, crop the pieces and merge it together, change the hue and remember the feather. . . blur the mistakes and sharpen the lines, burn the the corners and dodge the shadows, the things we do to minimize the imperfection, is a great reflection of what we see behind every mirror. . .

FICTION

If I could be a good son, I would, If I could be better man, I would, Would I be more special If I could? Would everything in the past make sense if I could? If I saw both of you, hand in hand, trying to set things straight, would this be my fate? I can't escape the presence of this cell, of what might been and what have been done, this time I'll be my own man, let this life be justified, for the sake of my own son.