Sa araw araw nilang pag upo,
Di na nila ninais na tumayo,
kaya't nag imbento sila ng laro,
kung saan ang huling uupo ang taong di na tatayo,
Isang laro kung saan nakabilog ang upuan,
iikot ang mga tauhan,
at sasabayan ang isang maingay na tugtugan,
hihinto ang musika, at lahat sila ay matataranta,
mag-aagawan ng pwesto upang mag-karon ng tsansang manalo.
at ang premyo ay nag-hihintay,
sa maswerteng taong matitira,
gagawin nila ang lahat kahit pa
magnakaw at kumitil ng buhay.
gagamitin nila ang mabubulaklak na salita,
babayaran nila ang madla.
at pag plantsado na ang plano at mukhang malinis na ang motibo,
napapadali nila ang kanilang pagkapanalo.
at pag huling tao na ang nakaupo,
sa bangkong itinuring nilang mas mahal pa sa ginto,
lahat tayo'y pupulutin sa kang-kungan,
kahit alam nilang wala naman tayong kinalaman. . .

Comments
Post a Comment