Skip to main content

Posts

Showing posts from January, 2010

TRIP TO JERUSALEM

Sa araw araw nilang pag upo, Di na nila ninais na tumayo, kaya't nag imbento sila ng laro, kung saan ang huling uupo ang taong di na tatayo, Isang laro kung saan nakabilog ang upuan, iikot ang mga tauhan, at sasabayan ang isang maingay na tugtugan, hihinto ang musika, at lahat sila ay matataranta, mag-aagawan ng pwesto upang mag-karon ng tsansang manalo. at ang premyo ay nag-hihintay, sa maswerteng taong matitira, gagawin nila ang lahat kahit pa magnakaw at kumitil ng buhay. gagamitin nila ang mabubulaklak na salita, babayaran nila ang madla. at pag plantsado na ang plano at mukhang malinis na ang motibo, napapadali nila ang kanilang pagkapanalo. at pag huling tao na ang nakaupo, sa bangkong itinuring nilang mas mahal pa sa ginto, lahat tayo'y pupulutin sa kang-kungan, kahit alam nilang wala naman tayong kinalaman. . .

Umay

Darating ang panahon Na di na tumatalab ang mga salita, ang mga ginagawa ay nababale-wala; Na ang mga dating dampi ng balat sa balat, ay para nalang isang batong hinihipan na lamang ng hangin. . . mawawala rin ang lambing, ang mga dating pag-titig at pagtingin, mawawala rin ang dating lasa, ang tamis ay malalanta, ang mga bulaklak ay papait. . . baliktarin mo man ang mundo, tao padin tayo, marunong magsawa, at pwedeng pagsawaan, kahit papano isa lang tayong bagay sa mundo, na-aagnas at nagiging abo. lahat ay may hanganan, kahit libog mo man sa katawan. nauubos din ang likido ng ano, pero anong magagawa mo? sadyang ganon ang pagkakagawa sayo. . . tao ka lang, ew. . .